dzme1530.ph

DEPARTMENT OF AGRICULTURE, PINAKIKILOS SA NABUBULOK NA ANI NG MGA MAGSASAKA AT PAGTIGIL NG MGA MANGINGISDA SA PAGPALAOT

Loading

PINATUTUGUNAN ni Senador Loren Legarda sa Department of Agriculture (DA) ang mga nabubulok na ani ng mga magsasaka at ang impormasyon na halos kalahati ng maliliit na mangingisda sa Luzon ay tumigil na sa pangingisda.
 
Binigyang-diin ni Legarda na ramdam na ang krisis sa mismong mga komunidad, batay na rin sa datos mula sa Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG.
 
Ayon sa SINAG, maraming maliliit na mangingisda sa Cavite, Bataan, Zambales, at Pangasinan ang hindi na pumapalaot.
 
Batay sa ulat, malaking bahagi ng kanilang gastos ang napupunta sa krudo, na nagbabanta sa lokal na suplay ng pagkain.
 
Tinukoy rin ni Legarda ang sitwasyon sa Benguet kung saan natutuyo na lamang ang mga pananim kaya’t tanong ng senadora kung may naibigay na sasakyan o subsidiya sa gasolina at kung may crop mapping upang direktang maiugnay ang mga magsasaka sa merkado.
 
Nanawagan si Legarda ng agarang hakbang tulad ng tulong sa transportasyon at gasolina, pagpapatupad ng cold chain, crop mapping, at emergency procurement.

About The Author