![]()
Ikinukunsidera ng Department of Agriculture na mag-import ng bigas mula sa Pakistan.
Kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na nagpahayag ng interes ang pakistan sa pagsusuplay ng bigas sa bansa.
Sinabi ni Tiu Laurel na ipinagbigay alam sa kanila ng Pakistani delegation na mayroon silang surplus ng rice production.
Sa kabilang dako, tiniyak ni Tiu-Laurel na lilimitahan nila ang rice importation at ibabatay lamang sa pangangailangan ng bansa ang dami ng aangkatin.
