![]()
Bumuo na ang Department of Agriculture ng food security task force upang i-monitor at tugunan ang mga pangangailangan sa food supply, presyo at kalakalan.
Sa gitna ito ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East na nakaapekto sa presyo ng mga produktong petrolyo at mga bilihin.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na papalitan ng task force ang kanilang ad hoc monitoring system.
Mandato ng task force na bumuo ng araw-araw na report sa food supply conditions na ibabahagi sa Kongreso at sa Office of the President para sa agarang pagdedesisyon.
Tututukan ng task force ang mga problema sa suplay partikular ang delay sa shipping routes na nauugnay sa Middle East at nakaaapekto sa Philippine exports.
