dzme1530.ph

Denver Nuggets, muling nanguna sa Western Conference standing

Tinalo ng reigning NBA Champion na Denver Nuggets ang Miami Heat sa score na 100-88, sa pangunguna ni Michael Porter Jr. na umiskor ng 25 points.

 

Bunsod nito, muling nabawi ng Nuggets ang top spot sa Western Conference Standings sa NBA.

 

Nalimitan lamang ang Nuggets star na si Nikola Jokic na makagawa ng 12 points dahil sa mahusay na depensa ng Miami.

 

Ito ang unang beses na nanguna sa standing ang Denver simula noong Nobyembre.

About The Author