dzme1530.ph

DENR at NIA, lumagda sa kasunduan para sa pagpapalawak sa paggamit ng irigasyon

Lumagda sa kasunduan ang National Irrigation Administration (NIA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pagpapalawak sa paggamit ng irigasyon.

Sa sinelyuhang Memorandum of Agreement, ang patubig sa irigasyon na pinamamahalaan ng NIA ay hindi na lamang gagamitin sa agrikultura, kundi pati na rin sa produksyon ng enerhiya, bulk water supply, aquaculture, recreation, at turismo.

Layunin din nitong maitaas ang kita o revenue ng NIA.

Inaatasan naman ang DENR sa pamamagitan ng National Water Resources Board at Water Resources Management Office na bantayan at pangalagaan ang water resources.

Ayon kay DENR Undersecretary Dr. Carlos Primo David, layunin ng kasunduan na pagsama-samahin ang mga hakbang ng mga ahensyang may water-related functions, upang matiyak ang water security. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author