Lumagda sa kasunduan ang Dep’t of Environment and Natural Resources at Dep’t of Energy para sa pagpapagaan ng panuntunan sa foreign investment sa offshore wind projects.
Ayon sa Economic Development Group, sa ilalim ng Memorandum of Agreement ay niresolba ang limitasyon sa foreign ownership ng public lands.
Pinapayagan na rin ang paggamit ng offshore and auxiliary areas na saklaw ng offshore wind energy service contracts.
Sinabi ng EDG na ito ang mag-aalis ng maraming balakid o bottlenecks sa offshore wind projects ng mga dayuhang investors, kabilang ang pagpapabilis ng proseso habang nasusunod pa rin ang environmental standards.
Malaking tulong din ito sa adhikain ng gobyerno na maisulong ang Pilipinas bilang investment destination, partikular na sa renewable energy. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News