Umabot na sa “alert level” ang kaso ng dengue sa National Capital Region, ayon sa Department of Health.
Ayon kay Mary Grace Labayen ng DOH-NCR Regional Epidemiology and Surveillance Unit, 24,232 dengue cases ang naitala sa Metro Manila simula Jan. 1 hanggang Oct. 26.
Mas mataas ito ng 34.47% kumpara sa 18,020 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
66 ang naitalang nasawi sa dengue sa NCR sa unang 10-buwan ng taon.
Karamihan sa mga tinamaan ng dengue sa Metro Manila ay mga batang 5 hanggang 9-taong gulang. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera