dzme1530.ph

Dengue cases sa bansa, tumaas ng 94% sa first quarter ng 2023

Tumaas ng 94% ang kaso ng dengue sa bansa sa first quarter ng 2023.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) mula January 1 hanggang March 18, 2023, pumalo sa 27, 670 ang kabuuang dengue cases, mas mataas ito kumpara sa 14,278 na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Nangunguna naman ang National Capital Region sa may pinakamaraming kaso, sinundan ito ng Central Luzon, at Davao region.

Samantala, hinimok ng kagawaran ang publiko na patuloy na sundin ang 4S kontra Dengue Strategy na search and destroy mosquito-breeding sites, secure self-protection measures, seek early consultation, at support fogging and spraying. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author