dzme1530.ph

Demolisyon sa mga illegal structure sa mga protected areas, isusulong ng mga senador

Target ng ilang senador na amyendahan ang mga batas pangkalikasan upang maiwasan na ang pagtatayo ng illegal structures sa mga idineklarang protected areas.

Ito ay matapos ang pagdinig kaugnay sa naitayong resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol.

Ayon kay Senate Committee on Environment Chairperson Cynthia Villar, kabilang sa isusulong nilang pag-amyenda ang pagmamandato at pagbibigay ng awtoridad na sirain o i-demolish na agad ang mga makikitang ilegal na istruktura sa protected areas.

Ipinaliwanag ni Villar na kapag hindi agad na sinira agad ang mga ilegal na istraktura ay maaari pa itong gayahin ng iba.

Pabor din sa demolition si Senate Committee on Tourism Chairperson Nancy Binay partikular sa resort na itinayo sa Chocolate Hills.

Iginiit ni Binay na hindi sapat na sa sagot sa paglabag sa batas ang pagbabayad lang ng multa na P50,000.

Kaya isusulong rin ng senadora na magkaroon ng pananagutan ang mga opisyal ng gobyerno na pipirma sa mga permit o clearance na makapagpatayo ng istraktura sa mga protected areas.

About The Author