Tatapusin na ng Senador ang plenary deliberation sa panukalang 2025 budget ngayong araw na ito.
Kinumpirma ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na wala na silang sesyon sa Huwebes kapag natapos na ngayong araw ang budget deliberations.
Kasama sa tatalakayin ngayong araw ang panukalang budget ng DPWH, DICT, SUC at ipagpapatuloy din ang deliberasyon sa panukalang budget ng DOH at PhilHealth.
Inaasahan naman ni Escudero na sa susunod na linggo ay tuluyan nang maaprubahan na ang panukala.
Kinumpirma rin ng Senate Leader na natanggap na nila ang kopya ng sertipikasyon upang ituring na urgent ang panukala.
Nangangahulugan ito na sa sandaling maaprubahan na sa second reading ang budget, hindi na kailangan ipatupad ang three-day rule, sa halip isusunood na agad ang pagpasa nito sa ikatlo at pinal na pagbasa. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News