dzme1530.ph

Deliberasyon ng Kamara para sa P5.768-T proposed 2024 Budget, sisimulan na sa Aug. 10

Sisimulan na ng Kamara sa Huwebes, Aug. 10 ang deliberasyon para sa panukalang 2024 National Budget ng Marcos administration na nagkakahalaga ng P5.768-T.

Unang isasalang ng House Committee on Appropriations sa hearing ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa macro-economic assumptions.

Ang DBCC ay kinabibilangan ng Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority, Department of Finance at Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon kay Appropriation’s panel chairman Zaldy Co ng Ako Bicol Partylist, aalamin nila ang projected revenue collections ng administrasyon sa susunod na taon, projected peso-dollar exchange rate at planong utangin para punan ang kakulangan sa pondo.

Una na dito, nangako si House Speaker Martin Romualdez na tatapusin nila sa 3rd reading ang General Appropriations Bill (GAB) sa buwan ng Oktubre, subalit siniguro nito na hihimayin nila itong mabuti upang masiguro na ang bawat sentimo ng 2024 budget ay hindi masasayang. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author