dzme1530.ph

Deliberasyon kaugnay sa proposed P5.768-T budget, tinapos na ng House Appropriations Panel

Tinapos na ng House Appropriations Panel ang deliberasyon sa panukalang P5.768-T budget para sa 2024 kagabi.

Huling sumailalim sa panel-level deliberations ang Commission on Higher Education (ChEd) na pinamumunuan ni Chairperson Prospero de Vera, Jr.

Sinabi ni Ako Bikol Rep. Elizaldy Co, Chairman ng House Appropriations Panel, na ang deliberasyon ay minarkahan ng malinaw at mahigpit na talakayan sa lahat ng sektor.

Pinuri rin ni Co ang kaniyang mga nakasama para sa masigasig na pagsuri sa panukalang pondo.

Samantala, ang proposed P5.768-T na pondo ay sunod na pagdedebatehan sa House Plenary level. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author