dzme1530.ph

Delay sa pagpapasa ng minimum wage hike bill, parusa sa mga manggagawa

Loading

Umapela si Sen. Risa Hontiveros sa Malakanyang na sertipikahan bilang urgent ang panukalang dagdag na ₱100 daily minimum wage para sa mga manggagawang Pilipino.

Iginiit ng mambabatas na kailangan nang ipasa ang panukalang umento sa sahod ngayong 19th Congress.

Ipinaliwanag ni Hontiveros na kapag natapos ang 19th Congress nang hindi naipapasa ang wage hike bill, back to zero o balik sa umpisa ang trabaho para rito.

Sa bawat araw aniya na walang umento patuloy na lumulubog sa kumunoy ng kahirapan ang mga manggagawang Pilipino.

Aminado naman ang senadora na hindi sapat ang umentong ₱100 at ₱200 kung ikukumpara sa taas ng mga bilihin — ngunit mahalagang hakbang ito tungo sa sahod na makabubuhay sa ating mga pamilya.

Noong Pebrero 2024, ipinasa ng Senado ang panukalang naglalayong magdagdag ng ₱100 sa arawang minimum wage para sa lahat ng manggagawa, habang nananatiling nakabinbin sa Kamara ang panukalang ₱200 umento sa sahod.

About The Author