![]()
Maaaring gamitin ni Vice President Sara Duterte ang kanyang deklarasyon ng kandidatura sa naratibo nilang nahaharap sila sa political persecution.
Ito ang paniwala ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
Sinabi ni Castro na maaaring palabasin ng Bise Presidente na ang pag-uusig sa kanya ay bahagi lamang ng pamumulitika.
Sa kabilang dako, duda si Castro na may implikasyon sa kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte na crimes against humanity ang deklarasyon ni VP Sara ng kanyang kandidatura.
