![]()
Pabor sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Sen. Erwin Tulfo sa isang taong state of national calamity na idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Sinabi ni Sotto na dahil sa lawak ng pinsalang idinulot ng sunud-sunod na kalamidad tulad ng pananalasa ng bagong Tino at Uwan, nararapat lamang ang naturang deklarasyon.
Binigyang-diin naman ni Tulfo na mainam na nasa ilalim ng National Calamity ang bansa sa loob ng isang taon upang kontrolado rin ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Bukod dito, magagamit din anya ang emergency fund para matulungan agad na makabangon ang mga sinalanta ng sunud-sunod na kalamidad.
Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na pinamumunuan ni Defense Sec. Gibo Teodoro, ang nagrekomenda sa Pangulo ng state of national calamity.
Saklaw nito ang lahat ng natural calamities na magaganap sa bansa simula Nov. 7, 2025 hanggang Nov. 7, 2026, subalit maaari namang ilift o bawiin ng mas maaga ng Pangulo.
