![]()
Pag-aaralan ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang naging aksyon ng House Committee on Justice sa pagdeklara ng sufficient in substance ang dalawang impeachment complaints laban sa kanya.
Sinabi ni Atty. Michael Poa, isa sa mga abogado ng bise presidente, nirereview na nila ngayon ang lahat ng records sa naging pagdinig ng komite.
Ayon kay Poa, sa ngayon ay hindi muna nila tatalakayin sa media ang kanilang mga aksyon.
Sa halip, mas pagtutuunan nila ang mga nararapat na aksyon na nakabatay sa Konstitusyon.
