dzme1530.ph

Defense Sec. Teodoro hinimok na talakayin sa PAGCOR ang kanyang pangamba sa POGO

Inirekomenda ni Senate President Francis “Chiz” Escudero kay Defense Secretary Gilbert Teodoro na talakayin sa PAGCOR ang kanyang pangamba at suhestyon ukol sa POGO operation.

Ito anya ay kung kabilang ang mga legal na POGO sa tinutukoy ni Teodoro na banta sa ating pambansang seguridad at dapat ng palayasin sa bansa.

Makabubuti anyang kausapin ng kalihim ang PAGCOR kung may sangkot na national security kahit sa mga legal na POGO.

Kasabay nito, kinatigan naman ng senate leader ang pahayag ni Teodoro na dapat nang paalisin ang mga POGO dahil nagdudulot lamang ito ng kriminalidad sa bansa.

Gayunman, sa paniniwala ni Escudero ang pinatutungkulan ng kalihim ay mga ilegal na POGO dahil tinukoy nya na mga POGO na hindi nag ooperate ayon sa kanilang nilalayon

Sa katunayan dapat talaga anyang ipasara ang lahat ng ilegal na POGO malapit man o hindi sa ating military bases.

Bukod dito, dapat anyang arestuhin ang mga nasa likod ng illegal na POGO.

About The Author