dzme1530.ph

Defense Sec. Teodoro at AFP Chief Gen. Brawner, umapela sa Kongreso sa pag-amyenda ng batas sa AFP Modernization

Loading

Umapela sa Kongreso ang Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines para sa pag-amyenda ng batas kaugnay sa AFP Modernization Program.

Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., layon ng amyenda na makasabay ang Sandatahang Lakas sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya sa mga kagamitan.

Aniya, marami sa nakasaad sa umiiral na batas ay hindi na angkop sa kasalukuyang panahon.

Nabatid na ang batas ukol sa AFP Modernization ay naisabatas pa noong 1995 at nakaangkla sa 15-year horizon program para sa Army, Navy, at Air Force.

Sinabi naman ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na suportado niya ang panukala ni Teodoro. Aniya, bukod sa mga base na dine-develop sa bansa, marami na ring naipamili gaya ng frigates, offshore patrol vessels, corvettes, at iba pang sasakyang pandagat.

Binigyang-diin din ni Brawner na dapat mas mapaghandaan ang mga banta gaya ng cyber warfare, information cognitive operations, at electromagnetic threats.

Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Re-Horizon 3 program noong 2024, na may pondong ₱2 trilyon sa loob ng sampung taon para sa mga bagong kagamitan ng AFP.

About The Author