Nirerebyu ng Department of National Defense (DND) ang kanilang mga kasunduan sa ibang bansa na hindi sinusuportahan ang claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na ang kanilang engagements ay lahat nakabatay sa pagtanggap sa United Nations Convention on The Law Of The Sea (UNCLOS) at sa posisyon ng Pilipinas sa WPS at DA South China Sea.
Ayon sa kalihim, ang Pilipinas ay mayroong nasa limampung Memoranda of Agreement for Defense sa iba’t ibang bansa.
Inihayag ni Teodoro na wala namang itinakdang deadline para sa naturang review.