dzme1530.ph

Defense at maritime cooperation, tinalakay ng Pilipinas at India

Tinalakay ng Pilipinas at India ang defense at maritime cooperation, sa harap ng regional issues kabilang na ang sigalot sa South China Sea.

Sa courtesy call sa Malacañang ni Indian External Affairs Minister Subrahmanyam Jaishankar, pangunahing tinalakay nito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtutulungan sa dalawang sektor.

Samantala, nagpasalamat naman si Marcos sa India para sa pag-rescue sa Filipino Seafarers mula sa MV True Confidence ship na inatake ng Houthi rebels.

Pinag-usapan din ng Pangulo at ng Indian official ang kolaborasyon sa kalakalan, turismo, food security, healthcare, at financial technology.

Pinagtibay din ng dalawang bansa ang commitment sa pagpapalakas ng strategic partnership.

About The Author