![]()
Umakyat sa 2.1 trillion pesos ang debt service payments ng National Government noong 2025.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, lumobo ng 4.08% ang debt repayments ng pamahalaan noong nakaraang taon mula sa 2.02 trillion pesos na naitala noong 2024.
Nalagpasan din nito ang 2.05 trillion peso full-year program para sa debt payments ng 2.6%.
Mahigit kalahati o 58.71% ng total debt payments ay napunta sa amortizations habang bumaba ng 1.46% o sa 1.24 trillion pesos ang principal payments noong nakaraang taon.
