Tumaas ang debt service bill ng National Government noong Agosto dahil sa pagtaas ng amortization at interest payments.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Bureau of the Treasury, mahigit triple ang inilobo ng debt service bill sa ikawalong buwan ng taon.
Naitala ito sa ₱664.72 billion, o 256.96 percent na mas mataas mula sa ₱186.22 billion noong Agosto 2024.
Mas mataas din ito ng 515.17 percent kumpara sa ₱108.06 billion noong Hulyo.
Ang debt service ay tumutukoy sa kabuuang halagang ibinayad ng gobyerno sa domestic at foreign borrowings.