![]()
Mahigit triple ang inilaki ng debt service bill ng national government noong Setyembre.
Ayon sa Bureau of Treasury, bunsod ito ng tumaas na amortization at interest payments ng gobyerno.
Sa latest data mula sa Treasury, lumobo ng 250% o umabot sa P327.89 billion ang debt service bill noong Setyembre mula sa P93.61 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Mas mataas din ito ng 50.67% kumpara sa P664.72 billion noong Agosto.
Sa tala ng Treasury noong Setyembre, P246.19 billion ang ibinayad sa amortization habang P81.7 billion ang napunta sa interest.
