dzme1530.ph

Deborah Sun, inaming nabubuhay sa tulong ng ibang tao

“Nabubuhay ako sa tulong ng ibang tao”

Ito ang emosyonal na pag-amin ng veteran actress na si Gigi Salvador o mas kilala sa screename na ‘Deborah Sun’ sa isang interview kasama si Snooky Serna.

Matapang na ikinuwento ni Deborah ang current situation ng kanyang buhay na ayon sa kanya ay umaasa lamang siya sa tulong ng ibang celebrities.

Isiniwalat ng veteran actress na halos pitong taon na siyang nakatira sa condo ni Ara Mina sa Cubao nang walang bayad at may monthly supply pa umano si Ara ng grocery items para sa kanya kada buwan.

Ilan pa sa pinasalamatan ni Deborah ay ang tito niya na si Philip Salvador, Boy Abunda at Aiko Melendez na hindi tumalikod sa kanya at inalalayan siya sa kanyang mga gastusin lalo na sa hospital bills.

Sumikat si Deborah noong late ’70s at ’80s sa mga pelikulang Bedspacers, Temptation Island at Pakawalan Mo Ako ngunit sinubok ng kapalaran noong 2019 nang maaresto dahil sa iligal na droga na naging mitsa nang unti-unti niyang paglubog sa showbiz industry. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author