dzme1530.ph

Death toll sa stampede sa Yemen, sumampa na sa halos 80 

Pumalo na sa 79 ang bilang ng mga nasawi habang mahigit 100 ang sugatan dahil sa stampede sa naganap na charity distribution activity sa Yemen. 

Ayon sa Interior Ministry ng Huthi, agad na isinugod sa mga ospital ang mga biktima ng random distribution ng pera na isinagawa ng ilang merchants at inaalam din nila ang pagkakakilanlan ng mga ito. 

Samantala, hawak na ng kustodiya ang mga responsable sa naturang insidente. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author