dzme1530.ph

Death toll sa pananalasa ng cyclone Mocha sa Myanmar, pumalo na sa mahigit 40

Pumalo na mahigit 40 katao ang nasawi matapos ang pananalasa ng bagyong “Mocha” sa Myanmar.

Ayon sa weather bureau ng Myanmar, isa ang Cyclone Mocha sa pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa na mayroong lakas ng hangin na aabot sa 209 kilometers per hour.

Nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng namatay ang Rakhine State sa Central Myanmar habang may pangilan-ngilan sa mga rehiyon ng Sagaing at Magway.

Lagpas 750,000 residente naman malapit sa mga karagatan ang lumikas bago pa mag-landfall ang nasabing bagyo. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author