dzme1530.ph

Death toll sa pag-atake ng Israel sa Gaza, umakyat na sa mahigit 400

Loading

Umabot na sa mahigit apatnaraan (400) ang nasawi sa Israeli airstrikes sa Gaza, sa gitna nang tuluyang pagbagsak ng dalawang buwang tigil-putukan.

Kasabay nito ay ang banta ng Israel na gagamit ito ng karagdagang pwersa para pakawalan ng Hamas ang 59 na natitira pang mga bihag.

Inakusahan ng Palestinian militant group ang Israel na lumabag sa ceasefire at nilagay sa kompromiso ang pagsisikap ng mediators para ma-secure ang permanent truce.

Inihayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na inatasan niya ang militar na paigtingin ang mga hakbang laban sa hamas bilang ganti sa pagtanggi ng grupo na pakawalan ang natitira pa ng mga bihag at pagbasura sa ceasefire proposals.

About The Author