dzme1530.ph

Death toll sa Marburg outbreak sa West Africa, umakyat na sa 12

Umakyat na sa 12 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Marburg virus sa Equatorial Guinea, West Africa.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng isang laboratory noong Abril 21, 2023.

Ayon sa health ministry ng West Africa, ang marburg virus ay pinsan ng Ebola hemorrhagic fever at mayroon nang 116 na kasalukuyang minomonitor na posibleng contact risk nito.

Naitala ang unang nasawi sa virus noong Enero 7, 2023 sa silangang probinsya ng Kie-Ntem bago kumalat sa Bata, ang West African economic capital ng bansa.

Samantala nagbabala naman ang West African Health Ministry sa publiko na mag-ingat sa virus dahil ito ay nagdudulot ng matinding lagnat, na kadalasang sinasamahan ng pagdurugo at organ failure. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author