dzme1530.ph

Death toll sa malawakang pagbaha sa Brazil, pumalo na sa 12

Pumalo na sa 12 ang bilang ng mga nasawi habang nasa 20 ang naiulat na nawawala matapos ang malawakang pagbaha sa Rio Grande Do Sul sa Brazil.

Ayon kay Rio Grande Do Sul Governor Eduardo Leite, mahigit 2,000 katao ang nawalan ng tirahan dahil sa bagyo habang aabot naman sa halos 2,500 ang kanilang nasagip sa loob ng dalawang araw na rescue operation.

Isa aniya sa pinakamatinding tinamaan ng bagyo ay ang bayan ng CARAA, na may populasyon na mahigit 8,000 katao.

Gayunman, siniguro ng gobyerno ng Brazil na magbibigay sila ng tulong sa mga biktima ng kalamidad. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author