Umakyat na sa 181 ang bilang ng mga nasawi sa baha at landslides sa Kenya simula noong Marso.
Daang-libong mga residente ang napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan, habang pinangangambahan ng pamahalaan at Red Cross na marami pa ang nasawi sa katabing Tanzania at Burundi.
Naminsala sa buong rehiyon ang malalakas na pag-ulan at baha na sumira sa mga kabahayan, kalsada, tulay, at iba pang mga imprastraktura.