Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi sa Myanmar, sa gitna ng pagdating ng foreign rescue teams, gayundin ng tulong sa bansang inuga ng malakas na lindol.
Noong Biyernes ay niyanig ng magnitude 7.7 na lindol ang Myanmar, na itinuturing na pinakamalakas sa loob ng isang siglo.
Ayon sa Military Government, hanggang kahapon, ay umabot na sa 1,700 ang nasawi; 3,400 ang nasugatan habang mahigit 300 pa ang nawawala.
Nagbabala si Junta Chief, Senior General Min Aung Hlaing, na posibleng tumaas pa ang death toll, kasabay ng pag-amin na nahaharap ang kanyang administrasyon sa isang malaking pagsubok.
Kabilang sa mga nagpadala na ng relief materials at teams sa Myanmar ay ang India, China at Thailand, gayundin ang aid at personnel mula sa Malaysia, Singapore at Russia.