![]()
Umakyat na sa 57 ang death toll sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 makaraang makarekober ng tatlo pang katawan sa Baluk-baluk Island, Basilan.
Sa pinakahuling datos, umabot na sa 293 ang survivor habang 22 pa ang nawawala.
Samantala, sinampahan na ng kaso ng Department of Transportation ang tatlong opisyal ng Maritime Industry Authority na direktang may kinalaman sa pag-iisyu ng safety certificates sa lumubog na barko.
Inihahanda na rin ng DOTR ang pagsasampa ng ilan pang kasong adminisatratibo laban sa mayari ng barko na aleson shipping lines upang makansela at marevoke ang kanilang Certificate of Public Convenience.
Una nang kinumpirma ng DOTR na overloading ang isa sa dahilan ng trahedya.
