Pumalo na sa 26 ang namatay neto lamang nakalipas na dalawang linggo dahil sa kasalukuyang cholera outbreak sa Cameroon, sa Central Africa.
Dahil dito, umakyat na sa kabuuang 426 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa naturang sakit habang tinatayang aabot na sa halos 2,000 ang kumpirmadong kaso.
Ayon sa World Health Organization, idineklara ang outbreak sa bansa noong Oktubre ng taong 2021 ngunit habang tumatagal ay mas tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit ng cholera.
Ang sakit na ito ay lubhang nakamamatay kung hindi maagapan at maaaring magdulot ng acute diarrhea, pagsusuka, panghihina at higit sa lahat ay kumakalat sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain o tubig. —sa panulat ni Jam Tarrayo