dzme1530.ph

‘Death penalty’ sa mga pulitikong magpopondo ng mga private armies, pinag-aaralan na ni Sen. Bato

Inihayag ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na pinag-aaralan na niya ang pagpapataw ng parusang kamatayan para sa mga pulitikong magpopondo ng mga private armies.

Sinabi ni Dela Rosa na nararapat lamang ang capital punishment o parusang kamatayan sa mga public servant na magpi-finance sa mga private armies dahil sila ang pinaka-master mind sa krimen.

Aniya ito ang nakikita niyang solusyon para maiwasan na ang karahasan at patayan sa mga lalawigan lalo na ang mga may kinalaman sa pulitika.

Matatandaang maliban dito, ilan pa sa mga rekomendasyon ng senador ang pag-amyenda sa Omnibus Election Code partikular sa probisyon ng mga ‘nuisance candidate’, pag-amyenda sa Local Government Code at Firearms Law. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author