dzme1530.ph

Deadline ng kamara para tapusin ang isinumiteng amendments sa proposed 2024 national budget, itinakda sa October 10

Sa Oktubre a-10 ang deadline para tapusin ng Kamara ang mga isinumiteng amendments sa proposed 2024 National Budget.

Ayon kay Cong. Zaldy Co, Chairman ng Committee on Appropriations, ito ang nabuo sa pulong kahapon ng binuong small committee na siyang tumanggap ng iba’t ibang amendments sa House Bill 8980.

Kinumpirma nito na marami ang nakapilang amendments, pangunahin na dito ang pag-realign sa kontrobersiyal na Confidential and Intelligence Funds (CIF) ng iba’t ibang ahensiya.

Aminado si Co na nakita nila kung gaano ka-intresado ang publiko at media sa isyu ng CIF.

Unang nang sinabi ni Cong. Stella Quimbo na bukod sa Office of the Vice President at Department of Education, may 10 pang ahensiya ng pamahalaan ang tatapyasan o kaya ay aalisan ng CIF.

Sa ilalim ng proposed P5.768-T 2024 National Budget, 28 government agencies ang may confidential at intelligence funds na lagpas sa P10-B ang kabuuhang halaga. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author