Naghayag ng kasiyahan si Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima sa pag-alis ng restrictions para ma-access ng publiko ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga public officials.
Ayon kay De Lima, ang hakbang na ito ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ay pagtupad sa tunay na mandato nito bilang anti-corruption champion, protektahan ang public interest, isulong ang common good, at hindi ang personal na interes ng mga nasa kapangyarihan.
Aniya, hindi talaga dapat itinatago at pinahihirapan ang pagkuha ng SALN. Kaya naman, sa Freedom of Information (FOI) measures ng buong grupo ng Liberal Party (LP) lawmakers ay kasama ang mandatory disclosure ng SALN ng lahat ng pampublikong opisyal, kabilang ang presidente at bise presidente.
Dagdag pa nito, ang panukalang ito ay dapat matagal nang naisabatas bilang panlaban sa matinding korapsyon na nararanasan ngayon sa bansa.