![]()
“Welcome pero dismayado” pa rin si Mamamayang Liberal at House Deputy Minority Leader Leila de Lima sa hindi pag-certify as urgent ng Palasyo sa tatlong panukalang batas.
Sa LEDAC meeting sa Malakanyang, tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang priority measures ang Anti-Political Dynasty Bill, Independent People’s Commission (IPC), Party-list System Reform Act, at Citizens’ Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act.
Ayon kay de Lima, malinaw ang order ng taumbayan, sertipikahang urgent ang IPC, Anti-Political Dynasty, at CADENA bills, subalit ang utos ng Pangulo sa LEDAC ay ‘priority’ bills lamang ang ito.
Hiling ng mambabatas sa Pangulo, itodo at totohanin na nito ang pagsuporta sa tatlong panukalang batas.
Pagdidiin pa ni de Lima, sa ganitong kalaking korapsyon at kalawak na sabwatan sa pagnanakaw ng pera ng bayan, hindi puwedeng “petiks-petiks” o “kukupad-kupad” sa pagpasa ng mga batas para mapanagot ang mga kurakot at mabawi ang nakaw na yaman.
