Wala umanong nakikitang seryosong banta si PNP Chief Gen. Nicolas Torre III mula sa Diehard Duterte Supporters (DDS) para sa nalalapit na ika-4 na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 28.
Giit ni Torre, mas malaking hamon para sa kanila ang masamang panahon na nararanasan ngayon.
Dahil dito, iniutos niya sa mga pulis ang pagdadala ng payong—hindi para sa mga raliyista—kundi panangga sa ulan.
Kaugnay ng paghahanda sa SONA, tiniyak ni Torre na handa na ang buong Pambansang Pulisya para sa seguridad sa araw ng SONA.
Nagsagawa na rin ng rehearsal at Civil Disturbance Management (CDM) practice at competition ang mga tauhan ng PNP upang lalong mahasa sa crowd control at de-escalation strategies.