Susunod ang Department of Budget and Management (DBM) sa desisyon ng Office of the Ombudsman hinggil sa kontrobersiya sa Pharmally.
Ito ay matapos i-rekomenda ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong katiwalian laban kina former DBM Procurement Service Chief Christopher Lao, iba pang dating DBM executives, at ilang opisyal ng Pharmally kaugnay ng anomalya sa pagbili ng P4-B na halaga ng RT-PCR test kits.
Ipinataw din sa former DBM officials ang parusang pagkakasibak sa serbisyo, pagtanggal ng lahat ng retirement benefits, at perpetual disqualification sa paghawak ng public office.
Kaugnay dito, inatasan na ni Budget Sec. Amenah Pangandaman si current PS-DBM Executive Director Dennis Santiago na ipatupad ang desisyon ng anti-graft body.
Gayunman, dahil wala na sila sa serbisyo ay pagmumultahin na lamang sila ng halagang katumbas ng isang taon nilang sweldo.
Kasabay nito’y tiniyak ng DBM na nananatiling matatag ang kanilang commitment sa pagtataguyod ng transparency, good governance, accountability, at pagsunod sa batas. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News