dzme1530.ph

DBM, nanawagan sa mga ahensya na maging matipid at responsable sa pagdiriwang ng Kapaskuhan

Loading

Nanawagan ang Department of Budget and Management (DBM) sa lahat ng ahensya ng gobyerno na maging matipid, responsable, at may malasakit sa paggastos para sa mga Christmas at New Year celebrations, lalo na’t marami pa ring Pilipinong apektado ng mga kalamidad.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, dapat ay simple, makabuluhan, at may puso ang mga aktibidad na isasagawa ng mga tanggapan ngayong Kapaskuhan.

Sa inilabas na circular letter ng DBM, pinaalalahanan ang mga government agencies, GOCCs, GFIs, SUCs, at LGUs na sumunod sa mga batas laban sa irregular, unnecessary, at extravagant expenses kabilang ang pag-upa sa magagarbong venue, pagbili ng alak, at pagsasagawa ng marangyang party.

Hinimok din ni Pangandaman ang mga opisina na isulong ang mga alternatibong aktibidad tulad ng community outreach programs, volunteer work, at gift-giving upang maiparamdam ang tunay na diwa ng Pasko sa mga nangangailangan.

About The Author