Nagpasalamat ang Dep’t of Budget and Management sa Kamara para sa mabilis na pag-apruba sa proposed ₱6.352 trillion 2025 national budget.
Pinuri ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang mga Kongresista para sa masusing pagbusisi sa panukalang budget.
Nagpasalamat din ito sa Senado para sa pangakong pagpasa ng budget sa takdang oras.
Mababatid na noong Miyerkules ay lumusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang 2025 General Appropriations Bill, matapos itong sertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Ayon sa DBM, tututukan sa 2025 budget ang mga prayoridad ng Administrasyon tulad ng edukasyon, agrikultura at food security, health care, social protection, kalakalan, imprastraktura, at innovation. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News