Naglabas ang Dep’t of Budget and Management ng karagdagang ₱5-B para sa pagpapatuloy ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Program ng Dep’t of Social Welfare and Development.
Inaprubahan ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order at Notice of Cash Allocation para sa nasabing pondo, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa agarang paghahatid ng tulong sa mga komunidad na sinalanta ng kalamidad.
Sinabi ni Pangandaman na sa pamamagitan nito ay maipagpapatuloy ang suporta sa vulnerable at marginalized communities, sa harap ng matinding epekto ng climate crisis kaakibat ng magkakasunod na bagyong Nika, Ofel, at Pepito.
Ang AICS ay ang tulong-pinansyal ng DSWD para sa medical, burial, transportation, education, at food assistance ng mga indibidwal at pamilyang nahaharap sa krisis tulad ng mga sakuna. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News