Inaprubahan ng Dep’t of Budget and Management ang paglalabas ng ₱3.681-B para sa pagpapatuloy ng nationwide free Wi-Fi program.
Ayon sa DBM, ang pondo ay ibinaba sa Dep’t of Information and Communications Technology para sa Free Public Internet Access Program.
Kabuuang 13,462 access point sites sa iba’t ibang lugar ang inaasahang makikinabang sa pondo.
Bahagi rin ng programa ang pagtatayo at maintenance ng ICT infrastructure tulad ng towers, data centers, at internet connections, para sa tuloy-tuloy na internet service sa mga paaralan, libraries, mga parke, at transportation hubs, na magagamit ng mga pilipino sa edukasyon, trabaho, at iba pang pang-araw araw na gawain.
Sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., titiyaking ang bawat mamamayan saanmang sulok ng bansa ay makikinabang sa digital transformation. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News