dzme1530.ph

DBM, inaprubahan ang paglikha ng mahigit 4K na posisyon para sa programa ng DSWD

Inaprubahan ng Deparment of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng karagdagang mahigit apatnalibong posisyon para sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa poverty o kahirapan.

Sa ilalim nito, itatatag ang 4,265 Project Development Officer II contractual positions sa iba’t ibang field offices ng DSWD, at magsisilbi itong augmentation o dagdag sa kasalukuyang mga tauhan ng kagawaran.

Ito ay para rin sa layuning makamit ang 1 case manager sa kada tatlundaang households, na magiging suporta rin para sa matagumpay na implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa grassroots level.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, bukod sa pagtugon sa kahirapan ay malilikha rin nito ang mga karagdagang trabaho na makatutulong sa maayos na takbo ng ekonomiya.

About The Author