dzme1530.ph

DBM, inaprubahan ang ₱3.39 billion para sa performance-based bonus ng PNP personnel

Loading

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng ₱3.39 bilyon upang tustusan ang bayad para sa fiscal year 2023 performance-based bonus (PBB) ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa DBM, mahigit 225,000 kwalipikadong opisyal at personnel ng PNP ang makikinabang sa naturang pondo.

Bawat kwalipikadong miyembro ng PNP ay makatatanggap ng PBB na katumbas ng 45.5% ng kanilang buwanang basic salary batay sa kanilang sweldo noong Disyembre 31, 2023.

Upang maging kwalipikado, dapat ay nakakuha ng “Very Satisfactory” rating ang mga nasa first, second, at third levels sa ilalim ng Civil Service Commission-approved Strategic Performance Management System o katumbas nitong rating mula sa Career Executive Service Board.

Ang pondo para sa bonus ay magmumula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund sa ilalim ng Republic Act No. 12116 o ang Fiscal Year 2025 General Appropriations Act.

 

About The Author