Inaprubahan ng Department of Budget and Management ang paglalabas ng P12.259-B para sa housing assistance ng mga biktima ng kalamidad, at pagbabayad sa resettlement ng informal settler families.
Inaprubahan ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang notice of cash allocation kaugnay ng P12.059-B para sa Housing Assistance of Calamity Victims (HAPCV) Program ng National Housing Authority.
Samantala, P200-M naman ang ilalabas para sa pagtatayo ng apat na units ng 5-storey low-rise residential buildings, na titirhan ng informal settlers sa Region 6.
Ayon kay Pangandaman, ang programa sa pabahay ay nananatiling prayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mithiing mabigyan ng disenteng tahanan ang mga Pilipino, lalo na ang mga lubhang naapektuhan ng mga kalamidad. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News