dzme1530.ph

DBM, IGINIIT NA MALAKI ANG MAWAWALA KAPAG SINUSPINDE O BINAWASAN ANG EXCISE TAX AT VAT SA PETROLEUM PRODUCTS

Loading

Kinumpirma ng Department of Budget and Management na malaki ang mawawala sa gobyerno sa sandaling ipatupad na ang suspensyon o pagbabawas ng excise tax gayundin ng VAT sa produktong petrolyo.

Ipinaliwanag ni Budget Secretary Rolando Toledo na bababa ang koleksyon ng buwis kapag ipinatupad ang polisiya.

Sa kabilang dako, sinabi ni Toledo na maaari nilang i-review ang kanilang expenditure measure na maaaring pagkunan ng pondo kung kakailanganin.

Kabilang anya rito ang pondong nakalaan para sa pagbiyahe ng mga opisyal ng gobyerno, mga training at seminar, communications at iba pang nasa ilalim ng non-essential maintenance and other operations expenditures.

Nagagawa naman na anya ito sa mga nakalipas na taon sa pagpapatupad ng austerity measures ng gobyerno.

About The Author