dzme1530.ph

DBM, DOH, hinimok na tuparin ang pangako ni PBBM sa mga health workers

Pinatitiyak ni Senador Christopher “Bong” Go sa Department of Budget and Management (DBM) at sa Department of Health (DOH) na matutupad ang pangako ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Tinukoy ni Go ang mabilis na distribusyon ng risk allowances ng mga healthcare workers na naging front liners ng kampanya kontra COVID-19 pandemic.

Ipinaalala ng senador na itinaya ng mga health workers ang kanilang buhay para labanan ang pandemic.

Sinabi ni Go na aprubado sa 2023 Budget ang P19-B para sa benepisyo ng mga healthcare workers kaya’t dapat unahin ang pamamahagi nito.

Pakiusap pa ng senador na kung maaaring ihatid mismo sa mga healthcare workers ang kanilang benepisyo ay gawin ito ng gobyerno o agad na itong ipasok sa kanilang ATM accounts dahil napakaliit lamang na halaga ito kumpara sa sakripisyong kanilang ginawa.

Bagama’t inalis na anya ang deklarasyon ng State of Public Health Emergency, dapat pa ring ipagkaloob sa mga healthcare workers ang kanilang mga benepisyo. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author