Inaprubahan na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng ₱1.64 bilyon para sa 2023 Performance-Based Bonus (PBB) ng mahigit 110,000 opisyal at empleyado ng Philippine Army.
Ayon kay Pangandaman, kinikilala ng administrasyong Marcos Jr. ang sakripisyo ng mga sundalo na nagtatanggol ng kapayapaan at naglilingkod sa bayan.
Tatanggap ang mga kwalipikadong kawani ng bonus na katumbas ng 45.5% ng kanilang buwanang suweldo, batay sa performance rating noong Disyembre 2023.
Ang pondong ito ay mula sa 2025 General Appropriations Act at layong matiyak na ang pondo ng bayan ay ginagamit nang transparent at responsable para sa kapakanan ng mga lingkod-bayan.