dzme1530.ph

Daytime entry sa 6km extended danger zone sa Mt. Kanlaon, sinuspinde

Loading

Suspensido ang daytime entry sa 6-kilometer extended danger zone ng Mt. Kanlaon, ngayong May 28.

Ito’y dahil sa banta at palatandaan ng posibleng pagsabog ng bulkan.

Batay sa abiso hindi muna pinahintulutan ng Regional Task Force Kanlaon ang paglapit o pagpasok ng mga residente sa danger zone sa oras na 6:00a.m. hanggang 4:00p.m..

Nagbabala na rin ang Task Force sa publiko na panatilihin ang pagiging alerto sa mga maaaring mangyari.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakaantabay at sundin ang bawat abiso ng mga otoridad at pamahalaan.

About The Author